General Questions
Where is the office of MWO-Riyadh?
Saan po ang opisina ng MWO-Riyadh?
3267 Makkah Al Mukarramah Rd, Al Mutamarat, 8103, Riyadh 12711
3267 Makkah Al Mukarramah Rd, Al Mutamarat, 8103, Riyadh 12711
Can I go as a walk-in?
Puwede ba mag walk-in?
It is a requirement to set an appointment by clicking the "Book" button on the top right corner of this site. Only emergency cases are accepted as walk-in.
Kailangan mag-set ng appointment sa pamamagitan ng pag-pindot ng "Book" sa taas kanang gilid ng site na ito. Emergency cases lamang po ang puwede mag walk-in.
How do I renew my Philippine Passport?
Paano mag-renew ng Philippine Passport?
Passport renewals are under the Philippine Embassy's care. Please contact the Consular Section of the Philippine Embassy in Riyadh for further instructions.
Ang pag-rerenew ng pasaporte ay hawak ng Embahada ng Pilipinas. Paki-contact ang Consular Section ng Embahada ng Pilipinas sa Riyadh.
When is the Embassy-on-Wheels scheduled for Sakakah / Hail / Buraydah / etc.?
Kailan po ang Embassy-on-Wheels pupunta sa Sakakah / Hail / Buraydah / atbp.?
Please follow the official FB pages of Philippine Embassy in Riyadh and MWO - Riyadh for announcements.
Maaring i-follow ang opisyal na FB ng Embahada ng Pilipinas sa Riyadh at MWO - Riyadh.
Verification / Contract / Balik Manggagawa Questions
I am planning to go on a vacation in the Philippines. What do I need to do before I leave?
Plano kong mag-bakasyon sa Pilipinas. Ano ang kailangan kong gawin bago ako umalis?
You need to present your new contract to MWO for Verification. The verified contract must be presented to the DMW for the issuance of your Overseas Employment Certificate, which is a mandatory requirement for OFWs leaving the Philippines and returning to their countries of employment.
Kailangan mong ipakita ang iyong bagong contrata sa MWO para sa pagpapatunay. Ang verified contrata ay dapat ipakita sa DMW para sa pagbigay ng inyong Overseas Employment Certificate (OEC), na isang mandatoryang papel para sa mga OFWs na aalis sa Pilipinas at babalik sa bansang pinagtatrabaohan.
Are there other documents that I need to bring to MWO in support of my employment contract?
May iba bang mga dokumento na kailangan kong dalhin sa MWO na susuporta sa aking contrata?
Yes, a photocopy of your passport, iqama, exit/re-entry visa, and return ticket.
Oo, kopya ng iyong pasaporte, IQAMA, exit/re-entry visa, at pabalik na ticket.
How many years should my contract duration be with my sponsor?
Ilang taon po ba dapat ang aking kontrata sa aking amo?
Two (2) years.
Dalawang (2) taon.
My contract duration is already complete, but I still wish to continue working to another employer. What are the steps I need to take?
Tapos na ang kontrata ko, pero gusto ko pang magpatuloy na magtrabaho sa ibang employer. Ano ang kailangan kong gawin upang makalipat sa ibang amo?
If your present employer agrees with transferring your sponsorship to another employer, the new prospective employer must speak to your present one to discuss the transfer process. There are times when your present employer asks for a payment in exchange for the transfer. In this process, the consent of the present employer is required for you to transfer your sponsorship to the new employer. The Jawazat (Passports Office) and the Saudi Labor Office must also be aware of this matter.
Kung pumapayag ang amo ninyo na ilipat kayo sa ibang employer, dapat kausapin siya ng lilipatan ninyong amo para ayusin ang paglilipat sayo. Kadalasang humihingi ng bayad ang inyong amo para maka-lipat kayo sa bago. Sa prosesong ito, kailangan ang pahintuloy ng kasalukuyang amo ninyo upang mailipat ang inyong sponsorship sa pangalan ng bago ninyong amo. Kailangan ding maabisuhan ang Jawazat at ang Saudi Labor Office tungkol sa bagay na ito.
I want to transfer to a new employer. What is the new system of the Saudi Government? (For Skilled Workers)
Gusto ko pong lumipat ng employer. Paano po ba gawin sa bagong sistema ng Saudi Government? (Para sa Skilled Workers)
The new prospective employer must file a request for transfer of the worker in the online portal of the Ministry of Human Resources and Social Development (MHRSD) called QIWA. The MHRSD will verify the terms and conditions of the job offer and the job qualifications. The worker will then receive a message from MHRSD if the request for transfer meets the requirements.
Ang lilipatan niyong employer ay kailangang mag-file ng request for transfer ng worker sa online portal ng Ministry of Human Resources and Social Development (MHRSD) na QIWA. Ang MHRSD ay ive-verify ang terms and conditions ng job offer sa worker pati na ang job qualifications. Ang workers ay makatanggap ng mensahe mula sa MHRSD kung pasado sa requirements ang request for transfer.
Overseas Employment Certificate (OEC)-Related Questions
Who may avail of the OEC Exemption of Balik Manggagawa?
Sino ang puwedeng kumuha ng OEC Exemption ng Balik Manggagawa?
A Balik Manggagawa worker with an employment visa or work permit, has served or is serving his/her employment contract and is:
a. returning to the same employer;
b. returning to the same job site; and
c. has a record in the DMW/POEA Database.
Ang Balik Manggagawa na may employment visa o work permit (kagaya ng iqama), nakapag-serbisyo o sineserbisyo ang kanilang contrata at:
a. babalik sa parehong amo;
b. babalik sa parehong lugar ng trabaho; at
c. may record sa database ng DMW/POEA
What is meant by "has a record in the DMW/POEA Database"?
Ano ang ibig sabihin ng "may record sa database ng DMW/POEA"?
OFWs who have been previously issued OEC by the DMW/POEA at any of its offices/centers (DMW Main Office, Regional Offices, Extension Units, BM Mall Processing Centers, and MWO offices abroad)
Mga OFW na dati nang nabigyan ng OEC ng DMW/POEA sa alinman sa mga opisina/sentro nito (DMW Main Office, Regional Offices, Extension Units, BM Mall Processing Centers, at MWO offices sa ibang bansa)
I am an OFW returning to the same employer and/or jobsite, how do I avail the OEC exemption?
Ako ay isang OFW na babalik sa parehong employer at/o lugar ng pagtatrabaho, paano ko makuha ang OEC exemption?
Balik Manggagawa workers who are returning to the same employer and jobsite may avail of the OEC Exemption by registering thru the DMW Online Services E-Registration Platform at onlineservices.dmw.gov.ph and click on "Let's Go" under the E-Registration banner. For already registered users, they only need to log in using their registered email and password. For further instructions, you may visit the E-Registration/OEC page of this website.
Ang mga Balik Manggagawa na babalik sa parehong amo at lugar ng pagtatrabaho ay puwedeng kumuha ng OEC Exemption sa pamamagitan ng pag-rehistro sa DMW Online Services E-Registration Platform sa onlineservices.dmw.gov.ph at pindutin ang "Let's Go" na nakikita sa ibaba ng E-Registration. Sa mga mayroon nang account, kailangan lang i-log in ang kanilang narehistro na email at password. Para sa karagdagang mga tagubilin, maaari mong bisitahin ang pahina ng E-Registration/OEC ng website na ito.
How will I know if I am already exempted from securing the OEC?
Paano ko malalaman na exempted na ako sa pagkuha ng OEC?
The BM worker shall log-in to his/her DMW E-Registration Account prior to the scheduled date of return to their employer. It is the system that will determine if the worker is already exempted from securing the OEC.
Ang Balik Manggagawa ay dapat mag-log-in sa kanyang DMW E-Registration Account bago ang nakatakdang petsa ng pagbalik sa kanilang employer. Ito ang sistema na tutukuyin kung ang manggagawa ay exempted na sa pag-secure ng OEC.
What if I have forgotten my registered email address and password?
Paano kung nakalimutan ko ang aking narehistro na email at password?
For OFWs in Riyadh, Kingdom of Saudi Arabia, they may visit the MWO for assistance in retrieving their accounts or resetting their email address and password.
Para sa mga OFW sa Riyadh, Kingdom of Saudi Arabia, maaari silang bumisita sa MWO para sa tulong sa pagkuha ng kanilang mga account o pag-reset ng kanilang email address at password.
Can I still change my email address or log-in account that I used when I registered?
Puwede ko pang palitan ang aking email address o log-in account na ginamit ko nung nag-register ako?
No. Your registered email address and password serves as your permanent log-in account.
Hindi. Ang iyong nakarehistrong email address at password ay nagsisilbing iyong permanenteng log-in account.
Labor & Welfare Questions
Can we request for a "rescue call" at the MWO if we have an issue with our sponsor?
Puwede bang magpa-"rescue" sa MWO kapag mayroon akong problema sa aking amo?
Rescue calls are often not the solution to problems, but rather, a proper and civilized conversation with the sponsor. The Saudi Recruitment Agencies (SRAs) are also a big help when it comes to providing solutions to problems and ensure adherence to the regulations stated in the contract.
The word "rescue" is often being used by OFWs whenever they have a problem with their employer, but the actual meaning behind the word is not used as it is forbidden to enter or raid a private residence without the permission and knowledge of the sponsor, police, and the authorities.
Hindi po pag rescue ang kadalasang solusyon sa problema kundi ang maayos at mahinahon na pakikipag-usap sa sponsor. Malaki ang maitutulong ng inyong Saudi Recruitment Agencies (SRAs) para maayos ang problema at masunod ang inyong kontrata.
Ang salitang "rescue" ay nakasanayan lang gamitin ng OFWs na mayroong problema sa kanilang employer, pero sa literal na nakahulugan nito ay hindi po ginagamit dahil bawal po ang pumasok sa bahay na walang pahintulot ng employer o pulisya o otoridad.
Who can we contact if we have an issue with our employer?
Sino po ang puwede naming tawagan kung meron kaming problema sa aming employer?
It is advisable to speak with the sponsor if any issues arise. If the issue is not salvaged or it escalates, the worker can contact the following:
a. Their respective Saudi Recruitment Agency (SRA)
b. MWO-OWWA - 050 285 0944
Makipag-usap muna sa employer kung may problema sa bahay. Kapag di naayos ang problema, puwede ng tawagan ng trabahante ang mga sumusunod:
a. Ang kanyang Saudi Recruitment Agency (SRA)
b. MWO-OWWA - 050 285 0944
Who is the legal employer than a HSW should serve?
Sino ba ang legal na employer na dapat pag-silbihan ng kasambahay?
The legal sponsor or employer is the individual stated in your contract that is registered with the DMW. They are also the same individual listed as your sponsor in your IQAMA (Resident ID). Only one family is allowed for a HSW to serve, and it is not advisable to let the HSW transfer to another house and work by their employer.
Ang inyong legal na sponsor o employer ay ang nakasaad sa inyong kontrata na naka-rehistro sa DMW. Siya din ang nakalagay sa inyong IQAMA. Isang pamilya lang ang dapat pinagsisilbihan ng kasambahay, at hindi puwedeng ilipat-lipat at patrabauhin sa ibang bahay ng kanyang amo.
I have completed my contract duration, but my sponsor won't let me go home due to my IQAMA still being valid. Are we supposed to follow the contract or the IQAMA validity?
Natapos ko na ang kontrata ko pero ayaw akong pauwiin ng employer ko dahil hindi pa daw tapos ang IQAMA ko. Ano po ba ang masusunod, ang kontrata o IQAMA?
The contract. That is a valid document that states the obligation and duties of both the worker and the sponsor, including other details such as the duration of the contract and the exact date of the contract expiration.
Ang kontrata. Iyan ang dokumento na nakasaad ang mga obligasyon at tungkulin sapagitan ng worker at ng employer, kasama ang haba ng panahon ng paninilbihan at kung kelan magtatapos ang paninilbihan.
My male sponsor, who stood as my sponsor, passed away, but I have not completed the 2-year contract duration. Can I return to the Philippines? Who will provide an exit visa for me?
Namatay na po ang amo kong lalaki na siyang tumatayong sponsor ko pero hindi pa tapos ang dalawang taon na kontrata ko. Puwede na po ba ako umuwi? Sino po ang magpapa-exit sa akin?
When the employer dies, the contract also immediately ends. However, if the deceased's family wishes to avail the HSW's services, they are required to visit the Saudi Labor Office to determine who the next sponsor of the worker shall be.
In regards to repatriation, if the HSW no longer wishes to continue working as a household worker, the worker and one of the heirs / family members of the deceased may file an application in Jawazat (Passports Office) for the issuance of an exit visa.
Kung patay na ang amo, tapos na rin ang kontrata. Ganunpaman, kung gusto ng mga naulila ng amo na magpatuloy na magtrabaho sa kanila ang katulong, mag-abisa sila sa tanggapan ng paggawa (Saudi Labor Office) tungkol dito upang malaman kung sino ang susunod na tatayong sponsor ng kasambahay.
Tungkol sa pagpapauwi, sakaling ayaw ng magpatuloy pa ng katulong, maaaring mag-file ng application sa Jawazat ang katulong at isa sa mga tagapagmana o naulila ng sponsor para sa exit visa.
End-of-Service Benefits (ESB)-Related Questions
Is it true that Household Workers (HSWs) have End-of-Service Benefits (ESBs)?
Totoo po ba na may End-of-Service Benefits (ESB) ang kasambahay?
Yes, there is an existing law in Saudi Arabia that states if a worker has worked for 4 consecutive years as a housemaid with the same employer, they are entitled to the End-of-Service Benefits that is equal to 1 month of their salary. Every 4 years is equivalent to a 1-month salary.
Oo, mayroon pong batas sa Saudi Arabia na kapag ang isang trabahante ay nakapaglingkod ng sunod-sunod na 4 na taon ang isang kasambahay sa iisang employer, may karapatan siyang mabigyan ng ESB na katumbas ng 1 buwan na sahod. Kada 4 na taon ay 1 buwan ng sahod.
How do I calculate my End-of-Service Benefits (ESB) as a Skilled Worker?
According to Patnubay.org, the calculation for Skilled Workers is based on whether the worker has been serving the company for more than 10 years or less than 10 years. The ESB’s calculation will be for every 5 years of your service. If the worker has been working for less than 10 years (2 – 9 years), the calculation will be as follows:
ESB = 1/3 x (Current Gross Salary) x 5 for the first five years
ESB = 1/3 x (Current Gross Salary) x (No. of Total Years minus 5) for the remaining years (if worker has 6 – 9 years of experience with the company)
If the worker has been working for ten years or more, the calculation will be as follows:
ESB = ½ x (Current Gross Salary) x 5 for the first five years
ESB = ½ x (Current Gross Salary) x (No. of Total Years minus 5) for the remaining years (if the worker has 6 – 10+ years of experience with the company)
A sample calculation is shown below:
For example, an OFW has been working in ABC Company for 7 years (5+2) with a gross salary of SAR 2,000 and they have decided it is time to return to the Philippines for good. The calculation of this OFW will be as follows:
ESB = 1/3 x 2,000 x 5
= 3,333.33
ESB = 1/3 x 2,000 x 2
= 1,333.33
= 3,333.33 + 1,333.33
End-of-Service Benefits = SAR 4,666.66
Another example, an OFW has been working in DEF Company for 12 years (5+7) with a gross salary of SAR 5,000 and they have decided it is time to return to the Philippines for good. The calculation of this OFW will be as follows:
ESB = ½ x 5,000 x 5
= 12,500
ESB = ½ x 5,000 x 7
= 17,500
= 12,500 + 17,500
End-of-Service Benefits = SAR 30,000
Paano ko makalkula ang aking benepisyo sa End-of-Service (ESB) bilang isang Skilled Worker?
Ayon sa Patnubay.org, ang kalkulasyon para sa mga Skilled Workers ay batay sa kung ang manggagawa ay naglilingkod sa kumpanya nang higit sa 10 taon o wala pang 10 taon. Ang kalkulasyon ng ESB ay para sa bawat 5 taon ng iyong serbisyo. Kung ang manggagawa ay nagtatrabaho nang wala pang 10 taon (2 – 9 na taon), ang kalkulasyon ay ang mga sumusunod:
ESB = 1/3 x (Kasalukuyang Gross Salary) x 5 para sa unang limang taon
ESB = 1/3 x (Kasalukuyang Gross Salary) x (Blg. ng Kabuuang Taon na bawas 5) para sa mga natitirang taon (kung ang manggagawa ay may 6 – 9 na taon ng karanasan sa kumpanya)
Kung ang manggagawa ay nagtatrabaho nang sampung taon o higit pa, ang kalkulasyon ay magiging ganito:
ESB = ½ x (Kasalukuyang Gross Salary) x 5 para sa unang limang taon
ESB = ½ x (Kasalukuyang Kabuuang Salary) x (Blg. ng Kabuuang Taon na binawasan ng 5) para sa mga natitirang taon (kung ang manggagawa ay may 6 – 10+ taong karanasan sa kumpanya)
Ang isang sample na pagkalkula ay ipinapakita sa ibaba:
Halimbawa, ang isang OFW ay nagtatrabaho sa ABC Company sa loob ng 7 taon (5+2) na may kabuuang suweldo na SAR 2,000 at napagpasyahan nilang oras na para bumalik sa Pilipinas para sa kabutihan. Ang kalkulasyon ng OFW na ito ay ang mga sumusunod:
ESB = 1/3 x 2,000 x 5
= 3,333.33
ESB = 1/3 x 2,000 x 2
= 1,333.33
= 3,333.33 + 1,333.33
Mga Benepisyo sa Pagtatapos ng Serbisyo = SAR 4,666.66
Isa pang halimbawa, ang isang OFW ay nagtatrabaho sa DEF Company sa loob ng 12 taon (5+7) na may kabuuang suweldo na SAR 5,000 at napagpasyahan nilang oras na para bumalik sa Pilipinas para sa kabutihan. Ang kalkulasyon ng OFW na ito ay ang mga sumusunod:
ESB = ½ x 5,000 x 5
= 12,500
ESB = ½ x 5,000 x 7
= 17,500
= 12,500 + 17,500
Mga Benepisyo sa Pagtatapos ng Serbisyo = SAR 30,000